Point of No Return

Lahat yata ng tao may pinagsisihan. Mga pangyayari na hindi nila gustong mangyari, pero nangyari. Pag dating sa usaping “regrets” isa na siguro ako sa  milyong unemployed nurses na nagsisisi at nagdurusa ngayon.

I am 24, hanggang ngayon wala pa din nangyayaring matino sa buhay ko. Naalala ko iyong isang nag-interview sa akin ng tangkain kong pumasok sa isang pribadong ospital. Sabi nung interviewer;

Interviewer: You have a very good course, a noble one, but I’m sorry you got it at the very wrong time, it isn’t in demand at all, sobrang dami niyo and considering the fact, there are other nurses na mas eksperyensyado kaysa sa iyo. I’m sorry.

Ako: (nganga…na lang)

After ng interview na iyon, hindi na ako nagtangkang pumasok sa kahit anong ospital, suicide pala ang pagpasok ko doon. By the way, batch 2009 pala ako graduate. Imagine, almost 3 years na akong walang trabaho.

Nagpost ako ng resume sa lahat ng Job engines sa internet, nagpakitang gilas, kahit wala akong working experience nilalagay kong mayroon. Lahat ng sa tingin ko eh kaya kong pasukin at pagtrabahuhan pinapasahan ko ng resume. Ang nakakatawang part, call center humahabol sa akin. Sinubukan ko, pero ‘di ko kayang mabuhay ng parang zombie. Hanap pa din ako, hanap lang ng hanap. Pero mailap talaga ang trabaho sa mga tulad ko o malamang sa akin lang mailap ang trabaho.

I turned 24 last Mrch 12, one of the most makabagbag damdamin at nakakagising na birthday message sa akin ng kapatid ko “please, be responsible, magtrabaho ka na.” Ayun, at hinipan ko ang apoy ng kandila, nakapikit habang nasa isip ang paulit-ulit kong wish -sana magka-trabaho na ako. Sino bang ayaw ng trabaho?

I guess hindi talaga lahat ng nangyayari sa buhay ng tao may second chances. Kung pwede lang magsisi sa umpisa, maraming ulit ko ng ginawa.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na nandito ako sa punto ng buhay ko na pointless– at kung totoong may time machine hindi ako magsusunog ng kilay sa pagkuha ng kursong ito, babalik ako sa panahong nag-aaral ako at ipaglalaban ang kursong gusto ko at hindi yung gusto ng iba.

Hindi ko sinisisi ang mga magulang ko, ang tiyahin ko na nangakong makakarating ako ng ibang bansa pag itong kurso na ito ang tinapos ko. Hindi ko sinisisi ang iba sa desisyong ginawa at binitiwan ko. Aminin ko man at hindi, kasalanan ko. Malaya na din lang akong magdesisyon ng kursong gusto ko, bakit noon hindi ko iyon naisip. Bakit noon hindi ako nakatanggi? Bakit naduwag ako at ngagpadala sa napakaraming pangako?

“Point of no return” ito yung mga katagang ang ibig sabihin eh nandyan na yan, kasalanan mo,wala ka ng magagawa.

Magsisi ka man, huli na ang lahat.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Mariang-uod-kalimot 1 Article
+I am very introspective, I often react in ways that surprise people. +I am... Objective, honest, and credible Intellectually curious, with many diverse interests More inclined toward ideas than people Fiercely independent and unapologetically unconventional..... +I am critical and demanding. +I live my life with integrity, originality, vision, and creativity. +I am Independent and stubborn, I rarely stray from my vision - no matter what it is. +I am an excellent listener, with almost infinite patience. +I have complex, deep feelings, and I take great care to express them. +I truly see relationships as an opportunity to connect and grow. +I enjoy relationships as long as they are improving and changing. +I can't stand stagnation.
  • tony acuna

    Belated Happy Birthday.did you try to communicate with him? if you did,exert more efforts.talk to him before you go to bed and thank him the very moment you rise from your bed in the morning.he is always there for you.have patience.

  • Juan

    kung yung mga midwife nga nagiging nurse assistant at nakakapag apply sa ibang bansa pagka graduate lang nila, ikaw pa kayang board passer?

    or siguro di ka lang talaga desidido mag nursing?

    widen your perceptions ate, kung di ka naman pwedeng mag apply as Staff Nurse, pwedeng pwede ka pa naman mag apply as Nursing Assistant, Patient Care Assistant, Nursing Aide, Caregiver.

    Nasa sa iyo kung paano mo pagulungin buhay mo.