Praybeyt Nars

Nakakapagod! Oo nakakapagod! 12 hours akong nag duty, halos lahat ng lakas ko ibinuhos ko. Ako nagpaligo, nagpakain, kapag umihi at dumumi ako rin ang maglilinis. Lahat ng kailangan gawin ay ginagawa ko. Minsan ako na din ang taga linis ng kuwarto, taga tiklop ng mga damit, taga walis, taga punas ng alikabok. Ako na! Ako na talaga! Heto ako, heto ang trabaho ko. Isang Private Duty Nurse.

Halos magdadalawang taon na bago ako matapos magtrabaho sa mga ospital, dahil sa hirap na makahanap ng regular na trabaho bilang nars sa isang magandang ospital, eh napilitan akong magtrabaho bilang private nurse. Ayoko pa sana, pero wala ako magagawa. No choice, ika nga! 12 hours per day, ang haba ng oras, nakakabagot, nakakainip at nakakaantok. Wala kang kausap dahil hindi makapagsalita ang pasyente. Ang pinakamahirap pa eh ang makisama sa kamag-anak ng pasyente. May mabait, may hindi o yung parang nagpapanggap lang! May pakialamera, na akala mo e may MD sa hulihan ng pangalan nila. Mayroon na walang tiwala sa’yo, na akala eh mapapatay mo ang pasyente. Sus! Bakit pa sila kumuha ng private nurse. May masungit, na hindi ka man lang nginingitiian kahit ibinigay mo na ang pinakamaganda mong ngiti. Lahat ng ito makakasalamuha mo. Kaya dapat, bukod sa magaling ka mag-alaga eh magaling ka din makisama, yung wagas na pakikisama dahil sila ang nagbibigay ng suweldo mo.

Mahirap na trabaho ito, kung sa ospital lahat ng uri ng pasyente makikita mo, dito iba. Siya at siya lang palagi. Masasanay ka na nga eh! Ultimo hibla ng buhok niya eh bilang mo na dahil araw-araw kayong magkasama sa loob ng dose oras. Ikaw na din ang nagsisilbing doctor niya. Kapag may nangyari sa kanya, magagawa mo ang napag-aralan mo nung nagaraal ka pa nung college, ang independent nursing interventions dahil walang doctor. Ang mahirap pa eh sa’yo ang sisi kapag may nangyaring masama sa kanya. Kaya sa tuwing may gagawin ka eh kailangan eh unahan mo muna ng dasal. Dapat alisto ka, marunong ka dumiskarte at higit sa lahat malakas ka dahil hindi lang isip mo ang gumagana pati lakas ng katawan mo. Imagine, you are 45 kilos and your patient weighs approximately 200 kilos.. Tapos, bedridden pa siya. Kaya dapat pati katawan mo e pinapagana mo, yung tipong ang sakit na ng sakong mo dahil nakatayo ka ng ilang minuto, masakit din ang likod at mga braso mo dahil sa bigat ng pasyente. Inaantok ka na pero hindi ka puwede matulog, napipigil mo pa pati pag ihi mo, nalilipasan ka na rin ng gutom. Lahat na mararanasan mo. Lahat ng hirap mararamdaman mo. Heto ang trabaho ko!

Pero pero pero, hindi lahat puro hirap dahil pinakamasarap na pakiramdam eh alam mo sa sarili mo na nagawa mo ang lahat. Ikaw, ikaw at ikaw lang. Buong lakas, buong pagsisikap. Yung tipong ikaw na ang nurse, ikaw pa ang doctor niya. Ikaw ang dahilan ng paglakas niya, pag galing ng mga sugat niya, kung bakit siya nakakakain, kung paano siya nananatiling malinis at mabango. Ikaw na! ikaw na! ako na! Masaya kang uuwi dahil nagawa mo ang trabaho mo kahit pagod na pagod ka na. Para kang superhero, dahil nagliligtas ka ng buhay, masaya ka dahil kahit ngiti lang ng pasyente, napapawi na lahat ng pagod mo. Kahit nga salitang “thank you” napapawi na agad ng kaunti ang sakit ng katawan mo. Heto ako, heto ang trabaho ko. Kahit mahirap, kahit nakakapagod eh masaya na din. Alam mong nakakatulong ka sa pag tuloy tuloy ng buhay niya. At higit higit sa lahat eh nakakatulong ka sa pamilya mo.

Lahat ng hirap, lahat ng pagsisikap, ay may katapat na saya at lahat ng pagsubok ay may katapat na tagumpay. Heto ako, heto ang trabaho ko, isang pribadong tagapangalaga. [:)]

“Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the lord, not for human masters.” -Colossians 3:23 NIV

Photo credit: ncleg.net

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • Gnyn tlg ang work ng PDN miss nicka.pro tma k rewarding nmn tgal pgod m pg nginitian k o nag te ty sau ang pt m or mski iba mn lng n fmily member.i once worked also as pdn nung anjn p aq s pinas & khit and2 n aq abroad working in a hosp my pdn p rin aq as a part time job.mbuhay taung mga filipino nurses!just go on bsta gngwa ntin maayos trbho ntin kayang kya m yn.

  • MarjRN

    I’m also working as PDN right now but my job is not as tough as yours kasi aside from his nanny may katulong pa akong caregiver who is incharge of pagpapaligo, paghuhugas ng poops, pagppa ihi. supervision and purely pang nurse lang talaga ginagawa ko. Ang problem lang being a PDN, are their family na pakikisamahan mo, long working hrs, and of course, kapag may nangyari sa pasyente magdasal kana dahil for sure sayo lahat ang sisi. However, very rewarding naman when you see your pt is getting well dahil sa pagaalaga mo. Job well done, PDNs!

  • ghielai logarto

    kakarelate ako ng sobra…been working as a pdn for four years na..ngayon, 24hours pa duty k para lang makatipid at magka off…buti pa nga ang nsa hospital nakakapag sick leave pag may sakit..tayo, pag may sakit at walang mahanap na reliever hindi pwedeng hindi pumasok..kung wala ding reliever, hindi din makakapag off..mahirap talaga makisama sa mga relatives kala m e mga doctor kng makapag bigay ng order..but im thankful na ito ang work k, mas malaki ang simsahod natin dito kesa sa nsa hospital..

  • brandon15000

    Mga kapwa PDN agency ba kayo or direct? Kung agency kayo just want to know the name of the agency. Kung ok ba dun sa agency niyo, magkano rate etc. Para din sa kaalaman ng mga aspiring PDNs para may mga tip tayo naibibigay sa iba. Medyo hindi maganda kasi agency ko.

    Name ng agency ko Earthlink Healthcare Services located just near Trinoma QC. 12k ang rate wala pa jan ang 20% na kaltas buwan2..so 9k na lang pinaka net ng sweldo mo. Yung 31 of every month ay hindi sinasama sa sweldo kasi sa kanila na daw yun for advertisements and everything.

  • Julian

    saludo ako sa inyo!