RN Unemployment: Temporary or Permanent?

Alam na alam naman natin na sandamakmak na ang mga Nurses sa Pinas, at kapag inilabas na ang resulta ng December 2011 NLE ngayong buwan, madadagdagan na naman ang populasyon ng mga registered tambay na nurse. Hayzzz… Disaster talaga…….

Iniisip ko nga na suntok talaga sa buwan na makapagtrabaho bilang nurse sa Pinas. Kung makapagwork man, baka nasa 50’s na ang edad ko ( 24 pa lang ako, hehe). Kaya mag-hahantay pa ako siguro ng more than 26 years para makapag-trabaho ako as nurse sa Pinas, na ang sweldo pa ay pangkain at pangpamasahe lang, tapos kadalasan, kulang pa sa isang buwan kaya wala talagang maiipon. Bugbog pa ang katawan mo sa trabaho. Eh baka pa nga hindi na ako matanggap kasi may edad na ako sa time na yun.

Sa ibang bansa naman, let’s say na mag-aaply ka papuntang Canada, hayzzz…ang akala ng marami ganun-ganun lang kadali magpunta dun, di lang nila alam, ang daming requirements na hinihingi; kelangan mong magtake ng IELTS at mag-aral uli kasi hindi ni-rerecognize ang BSN degree sa Pinas. Tapos magte-take ka pa ng pagkahirap-hirap na exam, malaking gastos yun, at ang masaklap kung di pa makapasa, eh di gastos na naman. Kaya, unemployed ka uli, kung makahanap ka man ng work, underemployed ka naman. Hayzzz.

Sa US naman, asusss…. Asa ka pa na makakapagwork ka dun as nurse. Global Recession kaya dun, eh mismong mga bagong nurse dun eh, unemployed din, tapos tayo lang na dayuhan sa bansa nila, i-ha-hire ka, sowwssssss.. asa ka pa..Eh pagpunta nga lang dun, dadaan ka pa sa butas ng karayom, sa case ko nga eh, more than 20 years na naming inaantay na ma-approve yung petisyon namin sa US, pero until now wala pa. Sa Pinas naman, ang daming NCLEX passer, pero nasan sila ngayon? Yung iba, nasa call center, yung iba nasa Saudi na kumikita lang ng kakarampot na riyal. Yung iba nasa UK pero maraming nabibigo dahil naloko lang ng mga pekeng agency, na ang akala nila ang student visa ang magiging susi para makapagtrabaho doon. Kung alam lang ng iba, pagdating dun, ikaw sasagot ng lahat ng expenses, tubig, pagkain, kuryente, upa sa bahay, tapos kelangan mo pang mag-aral dun at mag-eexam ka pa… gastos dun, gastos dyan….kaya pag-uwi ng Pinas, baon sa utang. Imbes na nakatulong, namulubi pa.

Sa applayan, hayzzz ang bigat ng kumpetisyon. Lalo na pagdating sa interview, hindi ka pa nakakaupo, itatanong agad sa ‘yo yung working experience mo. ‘Pag kulang sa working exp. reject agad. Kung sapat naman, kelangan mo pang magtake ng Licensure exam gaya na lamang ng prometric exam sa Saudi at Qatar. May bayad yun, hindi libre…..Pag bagsak, eh di reject din, napagastos ka pa…. Hayzzz…

Very unfair talaga ito sa ating mga Nurses, kung alam lang ng iba lahat ng pinagdaanan natin bago tayo maging RN. Nag-aral ng apat na taon, gumastos sa baon, pamasahe, sa OJT, sa mga case presentation. Yung iba, gumastos pa para makapag-enroll sa review centers, pumila ng pagkahaba-haba sa PRC para makapag-file. Nang pumasa pumila uli ng pagkahaba-haba para magpa-register, tapos sa huli magvovolunteer ka lang? At ang worst pa dun, ikaw pa ang magbabayad. Kung makapagwork man, sobrang liit ng sahod, kadalasan delayed pa. Minsan, nakakahiya pang pumila sa atm machine ng pagkahaba-haba tapos ang i-wiwithdraw mo lang eh halos half lang ng nauna sa ‘yo..sus marya…

Sa ibang bansa naman, gaya na lamang ng Saudi, actually medyo in-demand pa rin naman ang mga nurses kaso pag-nag-apply ka naman sa mga private hospital sa Saudi, hayzzz.. SR1600-1800 lang. Swerte na yung SR2200. Yung mga employer naman din kasi mapagsamantala, porket alam nilang madaming unemployed nurse, niliitan nila ang offer. Eh si frustrated Nurse naman, kapit na lang sa patalim, na kahit maliit ang offer, tanggap na lang ng tanggap. Kung sa bagay, di ko naman sila masisisi, wala kasing trabaho sa Pinas eh, sa kagustuhang makatulong sa pamilya, kahit kakarampot ang sahod, tatanggapin na lang. Kaawa-awa talaga tayong mga Nurses, laging pinag-sasamantalahan.

Hindi naman natin pwedeng isisi sa gobyerno ang status ng Nursing Career ngayon, dahil sangkatutak din ang problema ng gobyerno lalo na when it comes to poverty and corruption. Yung iba naman kasi, kaya nag-nursing dahil naki-uso lang, in-demand DAW eh. Ayun, pagka-graduate, in-demand ring mag-stay-in sa bahay buong araw. Yung iba naman, alam na nga na hindi na maganda ang Nursing career ngayon, pero heto sige pa rin, ang tigas ng ulo, nag-take pa rin ng Nursing, pag-pasa ng board, ayan nasapul mo, eh di tambay ka rin, sus ginoo….Be practical, mahirap ang buhay ngayon.

Palaisipan pa rin sa akin kung may pag-asa pa ba na makapagwork ang mga bagong nurse akma sa kanilang propesyon.

RN Unemployment: Temporary or Permanent, ano sa tingin nyo?

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • Marifi Dolo

    Ano ba ang gusto mo? Nasa iyo na ang desisyon kung ano ang gagawin mo sa buhay mo! Ganyan talaga, kung wala kang tiyaga, walang nilaga. Lahat dumadaan sa hirap, gusto mo nman agad ginhawa. Dami mong reklamo sa buhay. Lahat nag-uumpisa sa hirap, magpursige ka para makamtan mo ang tagumpay. Kung ganyan ka lang, walang mangyayari sa buhay mo.
    Lahat naman tayo dumaan sa pagiging volunteer! Hindi ka magtatagumpay sa buhay kung ganyan ang attitude mo sa buhay! Magiging tambay ka nga sa lagay na yan! Mahiya ka naman sa mga magulang o kaya na lang sa sarili mo!

  • Ann

    If I were you… Change your mindset. Be positive with your outlook in life.Dont loose your hope.The more you complain and the more you sigh with your life… It will really become like that but instead be positive and speak blessings over your life.God knows what you are going through, His only waiting for you to stop complaining and instead call upon Him for help. God Bless!

  • I am Six

    Whoa! What’s up with the flared reaction? The author has a point you know. If you’ll read it with a fresh perspective, the article serves as a warning. Sa case na ito ng naglalakihang unemployment rate ng Nursing grads, hindi na basta papasa ang “kung may tyaga, merong nilaga” that is if you want to practice your profession as a Nurse. Bakit? Kasi kahit magtyaga ka, kung kulang ang vacancies para sa Nurse, which is nangyayari ngayon, wala kang magagawa talaga. The only option you have is to apply for a different job or be your own employer by starting a small business. Pero sino ba naman ang gugustuhin na mag-aral ng 4 na taon sa field only to find out hindi mo sya mapractice after makagraduate at maging licensed? Walang may gusto ng ganyan. Kaya nga to the next generation of college-hopefuls, utang na loob, para sa inyong kinabukasan, wag nang kumuha ng Nursing. The world won’t go short of nurses as of this point in time, kahit pa siguro 5 taon na walang kumuha ng Nursing.

    • Jennifer

      pero paano yan . . e.pinilit ako ng mga magulang ko na kumuha ng nursing…Comsci yung gusto ko..

      • I Am Six

        You have to make your parents understand the current situation of the Nursing profession. Nasa state ito ngayon ng survival of the fittest.. In other words, ang mga “species” na may “selective advantage” meaning may experience na ang ma-seselect. Ipaglaban mo ang ComSci kung gusto mo yan. God bless sayo.

    • I agree,the author is just emphasizing the real situation right now….its not that having a negative views in life…..its a warning….to the coming generation…

      • I Am Six

        @Jennifer: You have to make your parents understand the current situation of the Nursing profession. Nasa state ito ngayon ng survival of the fittest.. In other words, ang mga “species” na may “selective advantage” meaning may experience na ang ma-seselect. Ipaglaban mo ang ComSci kung gusto mo yan. God bless sayo.

      • I Am Six

        Sorry about the technical error. ANYWAYS, Steve Cadagat, I’m glad we share the same view with regards to this article. The author has a point, right?

  • Onin

    Phil setting ha.
    Sa tingin ko, dalawa lang yan:
    Temporary, in a way na ma bibigyan din yan ng solution in the future
    Permanent, in a way na ang future na yan eh baka magsimula sa iba pang generation ng nurses ngayon.

    End of the line is, soon, not sooner.

  • anak ng mahirap

    nakakarelate ako sa kung sino ka man.. oo ngat maraming fields.. pero sa tulad kong may mga magulang na mahihigpit.. wala naman masama kung sundin ko ang gusto nila.. tulad ngaun.. na realize na nila na talagang mahirap pala talaga ang karirin tong napasukan ko.. 24 na rin ako.. 4 yrs na ring tambay.. natiis ko yun.. nagsakripisyo ako para sa kanila.. hihigit pa ba yun sa 24 na taon na isinakripisyo nila para saken.. ngaun ok na, sasabak na sa kahit saan.. para din naman sa ating kinabukasan iyan..

  • Edward L. Lee

    I completely understand both sides of those in despair and those who are motivated to find a way or solution. Here is my take, I ma the current President of the Philippine National Association of Acupoint Practitioners. Our HQ is in Makati. 2129 Chino Roces Avenue. We have a training program that certifies Nurses with or without hospital experience to be a Certified Nurse Acupoint Therapist (CNAT). The training includes how to use the latest medical gadgets that will enable Nurses like you to be certified to do home Health Care services using what we will teach you in Acupoint therapy ( Acupuncture without using a needle), and a portable BP regulator based on Bioelectric technology. I have an orientation seminar (free) Feb 25 in Balanga and at Subic Freeport Olongapo city. To register, please text Tina at 09399184956. I can also schedule a class at our Makati training room (20-limit). My email is [email protected]. Please take this opportunity and become a true Nurse entrepreneur. You can charge a patient P250 minmum. How many can you see is up to you. Once you are a CNAT, you will be eligible for further advance training in disease management and Traditional Chinese Medicine-based Acupoint therapy. It is DOH-approved, our gadgets are FDA and BFAD approved including in Europe. I agree with Ms. Glaisa Portugal, you have to make your own pathway, and this is it. We designed for you. Attend the orientation and you will be amazed with the gadgets. Ang daming gumagaling sa Chronic illnesses at mura pa, walang surgery and synthetic medicine. nakkakatulong ka na sa mga kababayan natin, business owner ka pa at you own your time. See you all soon!!!

  • Edward L. Lee

    Be a certified Nurse Acupoint Therapist! Attend our orientation Feb 25, 3-6pm sa Subic Freeport Jolibee. Call 09399184956 to rsvp.

  • Cerberus

    Mga tsong….hindi po ako nagrereklamo, In fact may work po ako at bilang NURSE at sa abroad pa…..At malaki ang sahod ko. Wag nyo naman sana akong husgahan. Pinapakita ko lang kung ano ang realidad ng nursing career ngaun. kayo talaga…Anyway thanks sa mga comments and reactions nyo and especially sa nag-publish ng article na ‘to…. nakakatuwa naman ang daming nakabasa ng article ko…yeheeyyyy

    • Jennifer

      buti kapa NURSE ABROAD ka!!!

    • you have a good point of view,Mr. Cerberus…keep it up….

    • regie

      agreed.

  • maria resca

    hi cerberus……ur great!

    • Cerberus

      hi maria resca, salamat sa pag-appreciate ng article ko, hindi gaya nung iba jan…..

  • rianne

    i know how you feel, ganun din kasi ko. the things you have said, totoo naman. hindi naman sa bitter pero sa mga jobless na tulad natin, hindi talaga maiwasan na mag isip ng ganyan. kanya-kanyang paraan lang ng paglabas ng sama ng loob. you’re just being honest and real… pero God maybe preparing something better for us..

  • Workaholic

    Maswerte pa rin pala ako dto sa US as RN, nagtatrabaho ako sa federal government full time at part time sa isang university hospital. Puro ako reklamo na palagi na lang duty, hindi ko na realize na mabuti nga at may trabaho pa ako compare dyan sa ibang nurses sa Pinas na walang trabaho. Hindi talaga madali pumunta dito sa US, pero with your determination and Faith in God, nothing is impossible. Naghintay din ako ng ilang takn bago nakapunta dito sa States. Habang recession dati pumunt muna ako ng Saudi ng 2 yrs. Sakto naman na pagkatapos ng contract ko nag open ang US apply kaagad at nakaalis within 2 yrs. With my family. Kaya’t huwag tayong mawalan ng pag asa, keep on dreaming.

  • regie

    A bit of inaccuracy regarding some of the mentioned situations above:
    1. Canada recognizes the Nursing program in the Philippines, BUT, you still need additional units or extra schooling to be able to work according to Canadian standard/setting.
    2. While it is true that US is no longer as active in accepting foreign nurses as it did before, it is false to assume that there are many unemployed nurses. It will vary from state to state. Global recession may be one of the reasons for the slump in employment in the states, but the right term is retrogression policy with regards to nurses and their opportunity to work or be employed.
    But all in all, I understand your frustrations. I don’t even see them as “negativity” as others were so quick to jump the gun. In fact, while some of the things you mentioned, as I have pointed out, are less than true, the rest are glaring realities.

  • Sunday Drive

    Actually andito ako sa states ngaun… At Lging may opening for nurses .. Lalong lalo na s east coast.: im a nursing graduate currently preparing for my nclex kaya nd ako nwawalan ng pag asa.. May pag asa pa ang mga nursing graduate!

  • xyrilvidel

    tama ang sabi nung author na hindi na in-demand ang nurses sa US…Dito rin rin me US as nurse for 5 years sa north carolina,pero heto, nanganganib mawalan ng trabaho kasi ang prina-prioritize nila eh ang mga American nurses. hindi na sila nag-aaccept ng foreign nurses…

  • den-den

    so true, di na nag-ha-hire ang US ng foreign, oversupply na rin kasi sila, ska dami nga ring jobless nurses dun especially yung mga newly grad nurses…hirap tlga ng lyf…tsk..tsk..

  • Kristine

    How in the world did the editor let you post this article? You made this site look like your personal whine “oh-my-gosh-kawawa-naman-ako huhuhuhu CRY CRY CRY” page. Shame on you. One more question, how did you graduate without having the dignity of a true nurse? Did you even do anything to change your life right now? You haven’t done anything pa nga at all, reklamo ka na ng reklamo! Nagseryoso ka manlang ba sa school nun? Kasi “Haaaayzzz” yun po ang tinitingnan nila ngayon dahil no experience ka pa. Titingnan ang grades mo, ang board rating mo, ang napasok mong eskwelahan. Kahit anong kurso ganyan. Don’t freaking blame the system if you can’t tough it out.

    BY THE WAY, oo kawawa ka na. Wala nang mangyayari sa buhay mo. “Haaayyyyzzz”.

    Yun ba gusto mo marinig? O ayan. Akala ko pa naman may kwenta tong babasahin ko, stating facts and figures from our government on recession and such. Hindi pala. Nagbasa lang pala ako ng diary entry.

    • Cerberus

      Ikaw naman ate, nang-ju-judge ka naman agad. Pano mo nasabi na kawawa ako? bakit kilala mo ba ko.? Anyway, hindi ko naman mape-please ang lahat ng makakabasa ng article ko. maybe you are thinking that im a frustrated nurse….Well actually i have a nursing job here in middle east and earning a USD 1,400… Hindi ako nang-iingit pero I swear totoo po yan. Kaya hindi me kawawa noh….at napakalayo na ng narating ko….anyway thanks for the time sa pagbabasa ng article ko. at kung may complains ka, ‘wag ka sa kin mgreklamo, dun ka sa administrator magreklamo kasi sya ang nagpublish ng article ko..malay ko ba na ipu-publish nya to…

    • Cerberus

      at isa pa…kung babasahin mo lang ng maigi yung article, maiintindihan mo ang isinasaloob nito, hindi naman ipu-publish ito ng administrator kung worthless ang article ko. At sorry ha, kung may kawawa sa atin baka ikaw yun kasi hindi mo matanggap ang realidad ng nursing career ngayon, hanggang ngayon denial ka pa rin….and besides may work ako, and as STAFF NURSE po here in middle east, kaya hindi ako kawawa…..

    • Josephine

      oo nga naman. tama naman si cerberus eh…yan talaga ang nangyayari sa nursing industry ngayon, although mahirap i-accept but we need to face the reality,The article serves as a warning, not give frustrations & depressions to our fellow nurses..

      basta ako cerberus, ok na ok ang article mo..keep up the good work

    • regie

      out with the “holier than thou, better than you attitude” please. Venting frustrations is Cerberus’ right. Pasensiya na, not everyone is like you.

  • retiredat21

    atlanticare – one of the biggest hospital in new jersey.. and they are always hiring, don’t believe me? check their online application… and take note.. isa lang yan sa thousands of hospitals here in the USA kaya wag nyo sbhng nd hiring ang US at maraming wlang trabahong nurses dito.. puro kau useless whining , puro wlang pag asa.. without even knowing the facts.. and based on statistics.. by 2025 mashoshort ng half a million nurses ang USA kaya tigilan nyo muna ang reklamo

    • maryann andrade

      nag-hihire nga sila pero ang tinatanggap naman nila yung my working experience, eh papano naman na katulad namin nya wala pang working experience..?eh di wala rin…haynaku…

    • preciouslara

      oo nga naman…eh my working exp. lang ang tinantanggap nila. paano nga naman kaming mga baguhan? saka 2025 pa yun eh di ang tagal-tagal pa pala namin mag-aantay bago kami makapagwork..hay wala ring silbi…

  • Sunday Drive

    pero kau ang pumasok sa course na to ngaung tpos na kayo dun kayo magrereklamo… Of course mghahanap ng working experience. Sino b ang institutiion angnmg hihire ng taong walng ka expeexperience… Kaya dskarte nyu n yan kung pano kayo mkkpasok. Nd lahat idudulot sanyu.. At least my pag asa pa

  • Edward L. Lee
  • Elrond

    You got on the bandwagon too late.

  • Elrond

    The USA is closed permanently to Philippine graduates for good. No more migration for anyone in your lifetimes.

  • Elrond

    If you’re here in the USA, there’s hope, but if you’re there in the Philippines, there is only joblessness, despair, depression and frustration as you can no longer migrate to America.
    God Bless America.