RN With A Valid ID

NCLEX Exam (Photo credit: ycw333.blogspot)
NCLEX Exam (Photo credit: ycw333.blogspot)
NCLEX Exam (Photo credit: ycw333.blogspot)
NCLEX Exam (Photo credit: ycw333.blogspot)

DECEMBER 29, 2011. Ang araw na nakuha ko ang pinakaaasam-asam kong LISENSYA. LISENSYA na pinagpaguran ko ng apat na taon sa kolehiyo. LISENSYA na bunga ng matinding pagra-rationalize ko sa Board Exam. LISENSYA na humigit kumulang kalahating milyon ang katumbas. LISENSYA na magbibigay sa akin ng dagdag dalawang letra sa pangalan ko… RN.

Four years ago, isa lamang akong hamak na estudyante. Naalala ko nga, excited pa ko noon magsuot ng white na uniform. Feeling ko ang ganda ganda ko ‘pag nakasuot ako ng ganoon. :ahat sila nakatingin sa akin, kaya kahit mga adik type na type-an ako. Wahahaha. Ang dami kong kwento about sa mga adik na ‘yan, hay naku! Naalala ko tuloy ‘yung mga experiences ko habang nag-aaral ak. at pati hanggang BOARD EXAM umeeksena ako. Haha. AKO NA!

Sa loob ng apat hangganglimang taon, madami na din akong naging best friends. Mga best friends na kasama ko sa pag-abot ng mga pangarap ko. Mga best friend na tumulong sa akin para makuha ang lisensyang ngayon ay hawak ko na. Mga bes friends na bumuo sa pagiging RN ko.

‘Pag studyante ka, hindi puwedeng hindi ka magkakaroon ng EYEBAGS. Naging best friend ko na nga siya e. Kaya kahit RN na ako, buhay na buhay pa din ang eyebags ko. Nagsimula ‘to sa mga quizzes at exams na kailangan kong ipasa para wag magkaroon ng tres sa grade slip. Nung mga panahong iyon, isang kilo palang ang eyebags ko. Nung dumating na ang sunod sunod na thesis, at mga bigating major exams, hulaan mu kung gaano na kabigat ang bestfreend ko? 🙂

Dumating ‘yung mga oras na, wala nang HOPE. May times na walang wala na talaga sa wallet ko. Madaming beses na nga e… Haha. ‘Yung tipong, 7:30  AM to 5:00 PM ang class mo at 9:00 AM pa lang wala na akong pera. Paano na ‘yung lunch? Paano na ‘yung break? Paanp na ‘pag may kailangan ipa-photo copy? Dh ‘di nganga. Doon ko na-meet ang isa ko pang best friend… si LIBRARY.

Compares kay EYEBAGS, hindi nakaka-stress si LIBRARY. Sa katunayan nga, stress reliever siya e. Uupo lang ako doon, kukuha ng kung anu-anong books, at hindi ko namamalayan, lumipas na pala ang two hours,three hours at ang pinakamatagal na oras na kasama ko siya ay seven hours… straight. Sa tuwing makikita tuloy ako ng mga classmates ko , sinasabihan nila akong MATALINO (pero ‘di nila alam… echusera lang ako!) Sulit na sulit nga daw ‘yung library card ko e. Samantalang sa kanila, ni wala pa ngang entry kahit isa. Kaya naging love na love ko si LIBRARY, siya ang naging takbuhan ko ‘pag gusto kong mapagisa,  ‘pag gusto kong magpahinga, ‘pag gusto kong matulog (dppn lang sa sulok, ‘yung hindi kita ng bantay :D), ‘pag gusto kong mag-aral…. kunyari. Pero humahanap lang pala ng fafa. Haha!

May isa pa akong love… eto ang isa ko pang best friend, si WHITE UNIFORM ko na hindi laba sa Tide kasi Ariel or Surf ata ang gamit ni mama. Kung minsan nga ‘yung panlagay sa beke, ‘yung kulay blue. Kaya nung minsang nag-oath taking kami, litaw na litaw ang uniporme ko. Thanks sa sponsor ko… Ms. TINA. Pero okay lang ‘yun… Madami namang kulay blue ang uniform sa loob ng UP chapel e. Haha.

Pero naiiba itong best friend kong ito, halos araw-araw ko kasi siya kasama. Kasama ko siya nung naglakad kami mula Lagro hanggang SM kahit nakaheels ako kasi sakto na lang ang pamasahe ko e, hehe. Kasama ko siya nung minsang tinabihan ako ng adik sa jeep at sobra makatitig sa akin, nangalumbaba pa ah. Kasama ko siya nung minsang nadulas ako sa hagdan sa third floor dahil pilit kong hinahabol ang klase ko ng 7:30 am (as usual late ako that time), kasama ko siyang pumipila sa harapan ng registrar para makapag-promi sa exam,kasama ko siya sa pagsagot sa mga huling exams ng pagiging studyante ko, kasama ko siya sa baccalaureate mass, at huli ko siyang nakasama nung board exam.

Board Exam, July 2 at 3 2011. Hindi ko talaga pinatawad ang araw na ito. Actually excited ako. Maaga nga ako nagising e. 8 AM ang exam kaya 6 AM nakabhis na ako. Sabi pa nga ng ate ko, baka ma-late ako. Ang sabi ko naman, maaga pa nga ako kasi 8 AM naman ang simula at isang sakay lang mula sa’min ‘yung school na pag-i-examan ko. Lampante ako, walang kaba. Tutut, text text muna kami ng kaibigan ko (examinee din siya).

Kaibigan ko: girl, san kna?

ako: on the way na girl, ikaw?

kaibigan ko: andito na sa venue… dapat daw 6 am nasa venue na…

ako: weh??? sure ka??? (nasa jeep na ko noon… trapik pa)

Naghintay ako sa text ng kaibigan ko. Wala…. Dugdugdug… Lubdub, lubdub… (bakit kaya hindi na siya nag-text? Start na ba ang board??? Kakabakaba…

Dumating ako sa NTC ng 7:30 AM. Sure na sure akong na 4th floor ang room ko. Ang kaso, sobrang laki ng school at naligaw ako… 7:45 na. Wala pa din ako sa room. Buti, may nakita akong manong at nagmagandang loob naman siyang tulungan ako. Thanks po. Hinanap ko na agad ang room 401 (‘yun ang nakita ko sa net e, #6 ang seat number ko). Sakto, wala pang nakaupo sa #6 seat, parang hinihintay talaga ako. Relax mode na ako at ilang minuto na lang. board exam na. Nag0shade na kami ng unang set ng papel (personal info ‘yun), nagra-round call na ‘yung proctor… pero bakit ganoon??? Puro ESC ang mga pangalang nila e ESG ako for ESGUERRA. Kabado ulit, pinagpapawisan na. Seat number ko na ang tinawag… nagulat din ang proctor. Tinanong niya ang name ko… sabi ko with confidenc “ESGUERRA, ROSAL G po… Room 401, right?? Seat number 6…” Biglang nag NO ‘yung proctor. Huhuhuhu. Sabi niya, ARE YOU SURE DITO KA? at nagkagulo na nga kami. Few minutes away from the actual board exam…

Sobrang nakaka-stress maghanap ulit ng room ko. Takbo dito, takbo doon. Super hanap ako… at voila! Sa room 410 ko nahanap ang name ko. Seat number 6. Grabe, sabi sa’kin nung OIC ng PRC doon, “NAKAHA-HIGH BLOOD KANG BATA KA!” dapat isasagot ko”MARUNONG NAMAN PO AKONG MAG-BP E. Haha“.

After ng pangyayaring ‘yun, hindi pa din ako masyadong nakapag-focus. Ang dami ko kasing narinig e. Baka daw ma invalid ‘yung papers ko at ang masyado pang nakaka-pressure, dapat malinis ‘yung answer sheet mo. Walang erase erase, walang dumi, kahit isang tuldok lang (hindi na daw kasi babasahin ng machine). Ang problema ko noon, ‘yung sakin, nilipad ng electric fan at super nadumihan talaga with matching basa ng bottled water. Hay… Kaya super pray na lang talaga ako nun. May plan A at plan B. Buti na lang, mabait talaga si God… binigay niya sa’kin ‘tong LISENSYA kong ito.

SIYA ‘yung PINAKA BESTFRiEND ko… si GOD. SIYA ‘yung bestfrend na hindi ka talaga iiwan. Sasamahan ka lagi, iingatan ka lagi. SIYA ‘yung bestfrend na kayang ibigay sayo lahat ng walang kapalit. Kasi super love ka NIYA. Sa dami damo ng naranasan ko, lagi ko talaga SIYANG naaasahan, at hindi SIYA nabibigong pangitiin ako. SIYA ‘yung bestfrend na handa kang patawarin kahit ilang beses ka pang magkamali, kahit ilang beses mo pa SIYANG iwan, lagi lang SIYANG naghihintay na bumalik ka. SIYA ‘yung BESTFREND na sinamahan ako sa loob ng 21 years ko sa mundo, kaya LOVE na LOVE ko din SIYA. THANK YOU PO SA LICENSE 🙂

Oo. Isa na nga akong registered nurse with a valid ID, pero hindi lang ito isang ordinaryong ID. Espesyal ‘to para sakin at sa mga taong naghintay para dito… LISENSYA ito na ang puhunan ay pagmamahal, tiwala, pagsisikap at pangarap. LISENSYA na iingatan ko habang buhay. LISENSYA na gagamitin ko para makatulong sa aking pamilya at sa kapwa. LISENSYA na tutupad sa aking mga pangarap.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • dan

    We have numerous Job openings in the Philippines for Filipinos that are US licensed and we need you asap. pls send me your CV and contact details! High compensation package awaits you… also for local RN’s dont worry we also have lots of job opportuinities for you… send me your most impressive resume and i will be forwarding you with the details if you need it. This company is located in Taguig Metro Manila Philippines… send cv to [email protected]

  • lei

    Thank you for sharing your experience and view. I really enjoyed reading the board examination part! Haha.. Nakakatuwa! Kasi a friend of mine experienced the same. Her surname starts with letter F then nagtaka siya mga kasama niya sa room puro letter G. Super nagpanick siya. In the end, after checking the examinee’s room assignments nasa tamang room siya. God bless and more power to you! 🙂