Mga Aral Galing sa O.R.

Nasa ikatlong taon na ako noon sa kolehiyo sa kursong Nursing. At gaya ng nakararami, ako ay naka duty noon sa Operating Room sa mismong hospital na pag-aari ng aming kolehiyo sa Maynila.
Maaga pa ay nagkukumpleto na kami ng aking mga kaibigan ng mga cases. At kahit na magpa-Pasko noon ay sinunggaban namin ang pagkakaton na makapag-duty habang ang ilan sa aming mga ka-eskwela ay nasa baskasyon na. Inabisuhan ako ng isa sa mga OR Nurses na mag-assist sa isang pasyente na i-dedebride ang sugat, at sinabing antayin ko muna ang doctor bago ako mag-scrub. Pumasok siya sa Operating Room kung saan ay naroon na pala ang pasyente. Sumunod naman ako sa kanya. Tsinek ni OR Nurse ang mga gamit na gagamitin at lumabas na din ng OR.
Napansin ko na si Patient ay may katandaan na at mukhang may dugong banyaga na nakahiga sa kanyang Ward Bed, ako naman ay nagtaka sapagkat hindi siya sa OR bed nakapwesto. Nahihiya man akong i-approach siya ay ginawa ko na din. Ngumiti ako sa kanya at nagpakilala, sinabi kong ako ay tutulong sa paglinis ng kanyang sugat. Hindi naman siya isnabero, ngumiti rin siya sa akin, ngunit sa kabila ng kanyang sinserong ngiti ay hindi maitatago ang kaba sa kanyang mga mata. Inabisuhan ko siya mag-relax sapagkat magaling ang doctor na maglilinis ng kanyang sugat.

Tinanong ko na rin siya kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, ang sabi niya naman ay “I’m fine” ngunit sa tono nito’y parang patanong.. sabay ngiti. Sa kuryusidad ko ay hindi ko na napigilan ang magtanong kung ano ang nangyari sa kanya. Ngumiti naman siya at sinabing “I’m a mountainer .. Together with my friends we climbed (nakalimutan ko na ang pangalan ng bundok na kanilang inakyat) but suddenly I wasn’t able to hold onto something … that is why I fell.” Mababakasan ang lungkot sa kanyang mga mata habang ang mga labi ay pinipilit na ngumiti.
Humingi ako ng paumanhin sa aking kapahangasan ngunit he humbly told me that “You don’t have to say sorry” at ipinakita sa akin ang kanyang sugat na natamo sa kanyang likuran. Ako ay nagulat sapagkat napakalaking butas ang naroon, ang sabi niya inoperahan siya sa spine sapagkat nadali daw iyon. At dahil pakiramdam ko nakapag build na ako ng rapport sa kanya kahit papaano, tinanong ko siya kung gaano kataas ang binagsakan niya. “We’re almost on the top the mountain” sagot niya. Hindi ko man alam gaano kataas ang bundok na inakyat niya, isa lang ang alam ko ng mga oras na iyon… napakatatag niya.Sa hindi naman malamang dahilan naitanong ko sa kanya ang ganito “and yet sir you still manage to smile?”

Ngumiti ulit siya sa akin at sinabing “I’m still alive! Thanks to God” buong sinserong sabi niya “I think that’s enough reason for me to be happy and thankful at the same time” Hindi ko alam ang sasabihin ng mga sandaling iyon. May munting luhang pumatak sa aking mga mata dahil na rin marahil sa nag-radiate na faith mula sa kanya.

Sa huling taon ko sa kolehiyo, hindi inaasahang nakita ko siya sa koridor ng aming ospital. Palayo siya habang nakaalalay sa kanya ang kanyang Rehab Nurse. Napangiti ako ng maalala ang sandaling pag-uusap namin sa OR noon, nakakatuwang isipin noon bedridden siya pero ngayon unti-unti na siyang lumalakad sa tulong ng kanyang tungkod at kaagapay na rin ang magaling na Rehab nurse. At higit sa lahat, Ang Faith niya sa Ating Panginoon. At habang tinitingnan ko siyang palayo, tahimik na naidasal ko na sana ay tuluyan na siyang gumaling.
Dahil sa isang beses na ‘yun na naging pasyente ko sya, madami akong natutunan. Sa bawat pagbagsak na ating mararanasan, dapat buong lakas at tiwala tayong bumangon muli at harapin ang bawat problema ng nakangiti at huwag mawalan ng pag-asa. Sa tuwing ako ay pinanghihinaan ng loob, iisipin ko lang siya at ang mga simple ngunit malaman niyang turan at pagtungo sa buhay. At sa tuwing naaalala ko siya, muling bumabalik ang tiwala sa aking loob at parang himalang natatransform ako.
Nahiya man ako sa aking sarili dahil bilang student nurse ng mga panahon na iyon, dapat ako ang magbibigay ng  lakas ng loob sa kanya bilang pasyente, ngunit iba ang nangyari, siya na aking pasyente at may ganoong pinagdaanan ANG NAGBIGAY NG INSPIRASYON SA AKIN hindi lang bilang student nurse na nakakabata sa kanya bagkus bilang tao.
Salamat po sa iyo na minsan kong nakasama sa Operating room. Ikaw na nagbigay ng mas malalim na pakahulugan sa salitang BUHAY.. ikaw na sa kabila ng lahat ng nangyari sa yo ay naging matatag at buong puso ang ngiti sa mga pagsubok… Salamat dahil sa tuwing naalala kita mas nagiging malakas po ako… Salamat … sa totoo lang kinaiinggitan ko ang FAITH na meron ka, nawa’y lahat tayo ay maging positibo parati sa buhay kahit ano pang hirap ang pagdaanan…

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • ejpopotit

    you are the NURSE!! haha nakaka inspire grabe salamat po sa pag share ng kuwento mo. 🙂 God Bless

    • kevinnhiel

      thanks po 🙂

  • ashnie

    wat’a nurse.. kaw n tlgah..sa gnwa mong pgpost n2 d lng kaw ang nbgyan nya ng faith pati nrin aq at ang iba pang mkkbasa n2…. full of faith and inspirational tlg 2….. tnx sa pg post mo… mwuah