Suwerte

Nurse clipart (Photo credit: galebart15.multiply)
Nurse clipart (Photo credit: galebart15.multiply)
Nurse clipart (Photo credit: galebart15.multiply)
Nurse clipart (Photo credit: galebart15.multiply)

Isa akong nurse na kabilang sa batch 2006, ‘yung nagkaroon daw ng “leakage” sa exam! Natatandaan ko pa kung gaano ako kadepress dahil sa nangyaring ‘yon. Kabilang ako sa nakapasa, subalit dahil sa isang pangyayari, kailangan muling ulitin ang pagsusuri kung sinu-sino ang nakapasa. Sa kasamaang palad, nakasama ako sa bilang na kinakailnagan mag-retake. Kinuha ko ulit ang pagsusulit at ayun, bagsak ako sa isang subject. At ang ibig sabihin, hindi ako maaring kumuha ng GCNFS – isa sa kinakailang pasahan para makapunta sa USA.

Karamihan sa kumuha ng kursong nursing ay sa mithiing mag trabaho sa ibang bansa,  lalo na magkaroon ng “green passport” at kumita ng malaking pera. Pero dahil sa pangyayari, kinalimutan ko ang CA USA. Maari ko pa rin namang ipagpatuloy ang pagiging nurse ko dito sa ating bayan. Masuwerte pa rin ako dahil ang iba kong batchmate, kung hindi member ng PAL (palamunin) o PMA (pahinga muna anak) ay  ‘di kaya call center dahil maganda ang sweldo.

Nagtratrabaho na ako noong panahong ‘yun sa isang pribadong ospital, nakahanap ako agad ng trabaho pagkatapos ko mag-exam. Nais ko sana sa OT (Operation Theater ) ngunit dahil sa ako’y maliit at baka ako pa ay buhatin ng akin pasyente, nadestino ako sa NICU (Neonatal Intensive Care unit). Na-regular ako dito. Madali mapakisamahan at  mababait ang aking mga kasama pati ang mga pinuno. Mabait ang head nurse at lagi kami pinapayuhan na “bata pa kayo , dapat habang bata pa mag-abroad na kayo“.  Matapos ang dalawang taon sa paglilingkod ko sa ating bayan, sinubukan ko makipagsapalaran sa ibang bansa sa gitnang silangan. Lahat ng mabasa sa dyaryo na hiring, sugod ng sugod lakasan lang ng loob. Kahit galing kami sa night duty, deretso kami  sa agency para magpasa ng requirements o ‘di kaya magpainterview.

Hanggang isang araw,  ako ay nakatangap ng isang tawag na ako ay  natanggap sa isang goverment hospital sa bansang United Arab Emirates. Sa edad na 22 years old, Abril 2009, dalawang buwan bago ang aking kaarawan, ako ay lumipad tungo sa bansa aking pagsisilbihan, walang kakilala, walang  kasama ang dala lamang ay lakas ng loob at tiwala sa may kapal. “GOD’S WILL” at “GOD IS GOOD“, ‘yan ang akin nasasambit.

Ang sumalubong sa akin ay si CULTURE SHOCK at mga makabagong gamit sa ospital. Ipinasasalamat ko sa Diyos na karamihan sa Pinoy na kasama ko ay ‘di mga talangka at ingitera.

Maraming kababayan na matanda sa akin ang nagsasabi na, “suwerte ka at 23 taon ka pa lamang ay kumikita ka na” o ‘di kaya ay “ang suwerte ng mga magulang mo at bata ka pa ay nakatutulong ka na. Higit sa lahat, bunso ka pa”. Masarap pakingan ang MASUWERTE ANG MGA MAGULANG KO, akala ko kasi ‘di ko natupad ang panagarap ng aking ama para sa akin na maging nurse. Magtatatlong taon na ako dito sa bansang United Arab Emirates at nakatutulong sa mga magulang at mga kapatid.

God is good all the time.

Enhanced by Zemanta

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • Helo !! ang swerte mo naman ate ako rin po ay isang nurse sa pinas batch 2009 passer at ngayon ai nandito sa saudi arabia 1 year and 6 months na po ako dito . Gusto ko lang po magtanong if pag natapos ko po ba ung contrata ko dito makakapag apply pa kaya ko sa ibang hospital as a staff nurse ako po ngayon ai ng wowoork dito as dental nurse assistant kahit ayaw ko sa department na to wala akong magawa kasi ayaw ng director akong ilipat sa ibang area. meron po akong 4 years contract dito . SA tingin nio po tama po bah ung trabaho ko dito? maliit lang po ung salary namin kasi po private hospital po kami