Taking Chances

Ang saya ko ng makapasa ako at magkalisensya bilang nurse.Pero sa lisensya na hawak hawak ko alam kong di biro ang responsibilidad na kaakibat nito, ibang-iba kasi ang trabaho..buhay ang pinaguusapan dito.Bawal magpacute, dapat seryusuhin ang trabaho. Lahat mararanasan mo: puyat, disappointments, nerbyos,saya at minsan naman masasaktan ka sa ibat-ibang klase ng reyalidad na makikita mo.
Bilang nurse, napakasakit na ang pasyenteng tinutulungan mo ay yung mahal mo sa buhay, isang kapamilya at lalong lalo na isang bata, wala pang alam sa mundo. Ang sakit….ang sakit sakit makita na nahihirapan sya. Kulang na lang akuin mo ang hirap na nararanasan nya. Ang bilis ng mga pangyayari, sa panahon na yun nagpapasalamat ako at wala pa akong mahanap na trabaho dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na kahit papaano matulungan ang pamangkin ko at maiparamdam sa kanyang mahal na mahal ko sya.
He was diagnosed with viral encephalitis. He was unconscious for 1 week then after that, nagising na sya, nakamulat ang mga mgagandang mata. Nandun pa rin ako sa tabi nya, ang saya ko nun dahil ang sarap makitang may improvement. Pero   huling pagkakataon na  pala yun para makita nya kami.
During his hospitalization, I was there  from the very first day until his last few seconds. Ang hirap pala, hindi dahil sa puyat ako, walang ganang kumain, takbo dito at takbo doon; mahirap kasi nahihirapan ang mahal mo. Ang sakit makitang kahit wala syang malay kapag kinakausap mo sya ramdam mo na gusto nyang sumagot,ramdam mong gusto nyang mabuhay pa.

Sa bawat araw namin noon sa ICU, kahit gaano kalala yung nakikita ko, hindi ko inisip na bibitaw sya. Lagi ko syang kinakausap, pinaparamdam ko kung gaano sya sa amin kaimportante at kung gaano namin sya kamahal. Kadalasan, kapag kinakausap ko sya, tumutulo yung luha nya. Siguro hirap na hirap na sya, siguro bilang bata gusto nyang sabihin sa akin na gusto nya pang mabuhay, na natatakot sya. Pero ni minsan, di ko sa kanya pinakita yung awa ko, yung sakit. Sabi ko sa kanya kaya namin, kakayanin namin lahat wag lang syang bibitaw. Hanggang dumating ang napakalungkot na araw,mahinang mahina na sya. Ang dami ng kumplikasyon, unconscious uli. At sabi ng doctor kailangan na daw iintubate. Ayaw ko mang isipin yung mga posibilidad na mangyari sa pamangkin ko, bilang isang nurse alam ko na hindi na maganda yung status nya.

10:30am sya nilagyan ng tubo, 3 times nagtry ang manggagamot na lagyan pero ayaw bumuka ang bibig ng pamangkin ko, hanggang sa kinausap ko sya, sabi ko sa kanya, sige na hayaan mo na si dok na lagyan ka ng tubo, wag kang matakot,makakatulong yan sa yo. Dun nya lang ibinuka yung bibig nya kaya alam ko naririnig nya ako, naririnig nya kami.

10:30am to 6:00pm ako nag manual ambubag kasi sira yung ventilator. Sa mga oras na yun, wala akong maramdamang ngalay o hirap. Ang gusto ko lang ay mabuhay sya. Wala kasi yung iba kong kapamilya dahil mahihina ang loob kaya sabi ko sa pamangkin ko, sige na ako ng bahala sa yo basta wag na wag kang bibitaw kasi ako hinding hindi ako bibitaw. Habang kinakausap ko sya, tumulo ang luha nya. Alam ko nahihirapan na sya. Ang sakit tingnan, at sa mga oras na yun, di ko na mapigilang umiyak. Hanggang sa dumating yung isa kong hipag at sya naman ang nag ambu bag. Paglabas na paglabas ko ng ICU, nagcardiac arrest na sya. Parang gumuho ang mundo ko. Nakita ko kung paano sya nahihirapan, kung paano sya nakipaglaban, 18 days exactly na nakaratay sya. Hanggang sa sabihin ng doctor na wala na sya. Wala akong nagawa kundi umiyak kasi nakita ko yung luha nya na tumutulo pa.
Bilang isang nurse at tiyahin, masayang masaya ako na nakatulong ako kahit papano sa mga huling araw nya dito sa mundo. Alam ko na masaya sya na hindi ko sya iniwan.

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in: