The Anatomy of a Good Job

Nakakatuwang isipin na minsan sa buhay ko, nagawa ko yung pangarap ko – ang mapraktis ko ang profession ko bilang nurse, kahit volunteer lang. Kahit na sabihin kong hindi ako kumita doon, naranasan ko naman yung pakiramdam na fully compensated ako sa lahat ng ginastos ko, at lahat ng paghihirap ko. Iyon ang matatawag kong trabaho na gusto ko.

Marami sa atin ang nagrereklamo tungkol sa trabaho nila. Marami ang tinatamad gumising at tinatamad pumasok – pumapasok para lamang sa pera. Marami ang nakakalimutan na ang sarili dahil sa pagiging busy at paghahabol ng deadlines, at marami ang umaalis ng trabaho dahil hindi sila maka-cope up sa environment na hindi nila kabisado. Kumbaga, pumunta sila sa gubat nang hindi na sila makakalabas ng buhay. The only way to get the job done is to surrender your life ang tema.

Dumaraan din ako ngayon sa parehas na proseso tulad ng nabasa mo sa taas. Pero naranasan ko rin yung magtrabaho nang gustong gusto mo, yung talagang maaadik ka at ayaw mo nang tumigil, dahil higit pa sa buhay mo ang naka-ukol doon.. kaligayahan mo na at ng mga mahal mo sa buhay.

Isinuko ko lahat ng meron ako para lamang makapagvolunteer sa isang hindi naman ganoon kaliblib na lugar sa probinsya ng Antique – Kaibigan, magulang, kapatid, karangyaan, barkada, pati na ang minamahal ko. Isang mabigat na desisyon para sa isang long-term goal sa buhay. Sa una, mahirap isipin na iyon yung magiging passport ko para lamang sa isang bagay na wala naman talaga akong kasiguraduhan. Pero sinubukan ko pa rin, dahil alam kong wala naman nang mawawala sa akin, dahil matagal na akong wala.

Mahirap sa umpisa. Although meron naman akong kamag-anak ng kukupkop sa akin, total stranger pa rin ako. Wala na yung mga kakilala ko… dahil tumanda na sila at meron na rin silang mga sari-sariling buhay. Mahirap mag-expect na magiging gaun pa rin ang treatment nila sa akin, pero ok lang. handa akong mag-umpisa sa scratch para lang sa pangarap ko. Wala nang atrasan ito. Kung maiisipan kong mag-back-out, para ko na rin isinuko yung mga pangarap ko pati na yung kinabukasan ko.

Maraming problema sa umpisa. Language barrier, bagong mga kakilala at colleagues, at bagong amo. Chief Nurse na ang amo ko, hindi na ang nanay ko. Ako na lang rin ang mag-aalaga sa sarili ko, at wala na akong aasahan para maglaba, mamalantsa, maghugas ng pinggan, at gumabay sa akin. Ako na lang para sa sarili ko. Ayokong asahan ang tiya ko at ibag kamag-anak, dahil gusto ko, sakin magmumula ang pagbabago. Dapat kong ayusin ang sarili ko sa lahat nag aspeto.

Sa una lang talaga ang mahirap. Ang susunod na ay masarap.

First day ko sa Hospital, nangangatog ako. Wala na akong nagawa kundi ngumiti at tumango sa lahat ng utos nila at ipinagagawa. tanging pagbi-BP at Vital signs taking lang ang nagagawa ko, bukod sa mangilan-ngilang nursing procedures na alam ko namang gawin. Pero bukod dun, wala talaga akong nagawa. Balik ako sa umpisa. Grade 1. Pero pinili ko pa ring obserbahan sila sa ginagawa nila, para kinabukasan, makasabay na ako.

Nagdaan ang ilang araw, at medyo oMk na ako. Nakakapagperform na rin ako ng maayos sa ospital. Nalagpasan ko na yung mga first day jitters at nakakaintindi na rin ako ng visayan medical terms para mas madaling makipag-usap sa mga pasyente.

Natututo na ako noon, at patuloy pa rin akong natututo.

Masarap sa pakiramdam sa tuwing gigising ako sa umaga para pumasok sa ospital. Gusto ko yung parang lagi akong kinikilig at naiinlove pagbangon ko, at nakukuha ko pang sumayaw at kumanta ng “Sunshine” ni Bamboo. Msarap sa pakiramdam na 4 hours bago ng pasok ko eh gising na ako at naghahanda ng uniform, mamamalantsa, magsasaing, at minsan eh magluluto ng agahan. Kasabay na nito ang pagligo, pagkain ng almusal, pagtoothbrush, at paghahanda ng bag na gagamitin para sa pagpasok, at ang pagta-touch-up ng sarili para hindi ako magmukhang kabaong. Lahat iyon, nagagawa ko sa loob ng isang oras. Pakiramdam ko lagi, inspirado akong gumawa ng mga bagay-bagay. Hindi na kelangan ng utos, dahil mas excited pa ako sa boss ko kung kumilos ako. 7am ang pasok ko, pero minsan 2 to 1 hour before ng duty, nasa ospital na ako. Masarap sa pakiramdam na darating ako doon para batiin ng isang mainit na “Magandang Umaga!” ang mga colleagues ko, pati na rin ang guard, hospital clerks, senior staff nurses, at ang Chief nurse. Masarap sa pakiramdam yung pagdating na pagdating mo pa lang eh chine-check mo na yung chart ng mga pasyente – luma man o yung mga bagong admitted lang, para makita kung may bago, dahil alam kong may kakaiba na naman sa araw na ito. Masarap sa pakiramdam yung nagpeprepare ako ng medications ng mga pasyente, dahil siguradong may bagong gamot na naman akong makikilala at ireresearch pag-uwi ko. Masarap ang pakiramdam na nakakausp mo yung mga doctors on duty bago sila mag-off, at yung mga incoming doctors na magduduty pa lang ng 24 hours, o higit pa. Masarap sa pakiramdam na umpisa na na ng trabaho ko at nae-excite na ako sa mga gagawin ko sa mga nalalabing walong oras ng duty ko.

Masarap sa pakiramdam yung magnu-nursing rounds kaming lahat at bibisitahin namin issa-isa yung mga pasyente namin. Iche-check namin kung kumusta na nga ba sila, kung malakas na sila at pwede nang lumabas ng ospital, at kung dislodged na naman yung IV line nila dahil ako na naman ang magkakabit mamaya. Masarap sa pakiramdam na nakakausap mo yung mga pasyente pati na yung mga kamag-anak nila tungkol sa mga bagay-bagay, dahil malaking tulong iyon para sa ikagagaling nila. Masarap sa pakiramdam na pumapasok ako sa trabaho at ang trabaho ko ay tulungan ang mga taong may sakit na gumaling. Masarap sa pakiramdam na nagbibigay ako ng mga medications dahil nagkakaroon ako ng pagkakataon para ibonding ang mga pasyente, at ng hindi sila mailang sa akin sa tuwing bibisita ako sa kanila. Masarap sa pakiramdam kapag magsusulat ako ng charting ng pasyente. Pakiramdam ko sumusulat ako ng talambuhay nila habang nasa loob sila ng ospital. Isinusulat ko yung bahagi ng buhay nila kung saan down sila at naisusulat ko kung paano paisa-isa ay nababago ko yung buhay nila. Masarap sa pakiramdam na ginagawa ko yung mga bagay na dati eh nababasa ko lang sa libro Fulfillment na iyon para sa akin.

Masarap sa pakiramdam na matatapos na yung shift ko at excited na akong umuwi para magrelax at mag-online sa facebook para sabihin ang mga adventures ko sa ospital. Masarap sa pakiramdam na nakikipag-unahan ako sa senior ko para mag-endorse ng mga pasyente sa mga incoming na magduduty. Masarap sa pakiramdam na hanggang pag-uwi eh kasama ko yung mga colleagues ko at kakwentuhan ko sila hanggang maghiwalay na kami ng daan pauwi. Masarap sa pakiramdam na uuwi ako ng bahay para magbasa ng libro at ireview yung mga sakit ng mga pasyente para may magawa akong bago sa ospital bukas. Masarap sa pakiramdam na araw-araw ay may natututunan ako at hindi nasasayang ang oras ko sa kakapanood ng TV bukod sa NOAH na sabay naming pinapanood ng mga lola ko. Masarap sa pakiramdam na matutulog akong excited pa rin para bukas.Siyempre, challenging pa rin ang buhay nars. Challenging kapag inassign ako sa Emergency Room – ang pinakapaborito kong area, dahil kelangan lagi akong handa sa lahat ng oras at sa lahat ng pagkakataon. Challenging kapag may dumarating na nag-aagaw-buhay na pasyente at ginagawa mo ang CPR para lang mabuhay siya. 7 na ang na-CPR ko. 6 na ang namatay sa kamay ko. Pero hindi ko iyon dinamdam, dahil alam kong may ginawa ako para mabuhay sila. Challenging kapag may darating na manganganak, dahil natataranta ang buong ospital at kelangan magign organize ako sa lahat ng pagkakataon. Challenging kapag may nagwawalang mga pasyente o nawawalan ng katinuan – kelangan ko silang unawain at mahalin sa kahit anong kalagayan nila. Challenging kapag sabay-sabay magpa-admit ang mga pasyente at 12 hours na akong hindi kumakain dahil sa kakaasikaso sa kanila. Challenge din yung mapagalitan ako ng mga head ko dahil sa mga kapalpakan ko. Pero Challenge iyon para lalo ko pang galingan. Challenge din na minsan wala na akong pera para sa allowance ko at kelangan ko angn kapalan ang mukha ko para manghingi sa magulang ko. Challenge para sa akin na lagi akong tinatawagan ng nanay ko para bumalik na akong maynila at ihinto na ang pagiging volunteer ko. Kelangan kong makipagmatigasan sa nanay ko para lang manatili ako sa probinsya.

Pero lahat ng iyon, nalagpasan ko.Masaya ang naging buhay ko sa ospital. Masarap mag-inter-departmental transfer ng mga pasyente papuntang kapitolyo gamit ang humaharurot na ambulance. Nakaka-thrill. Masarap sa pakiramdam na kinapalan ko ang mukha ko para matutong magpaanak, isang bagay na gustong gusto kong matutunan. Masarap kapag nauutusan ako ng seniors ko at ng Chief Nurse namin – ibig sabihin, napagkakatiwalaan nila akong gumawa ng mga bagay. Masarap yung napupuri ako ng mga senior ko dahil sinisipagan kong magtrabaho kahit walang bayad, dahilan para mas lalo ko pang sipagan. Masarap mag-health teaching sa mga pasyente – frustration ko ang pagiging teacher. Masarap ang naging karanasan ko sa ospital. Dumaan na ako sa Morning, Afternoon, at Night Shift. Dumaan na rin ako sa pagiging Ward at Emergency Room Nurse. Hindi ko lang nasubukan na ilagay nila ako sa OPD. Pero ipinagpapasalamat ko pa rin iyon dahil mas gusto ko ng laging may ginagawa. Minsan, ako pa ang humihingi ng overtime para sa sarili ko at ayoko pang umuwi. Sabi nga ng “Brod” ko, maswerte ako dahil kahit walang bayad, nagagawa ko yung gusto kong trabaho, at masaya ako.

“Success in life is not measured on how much money you have in the bank, but how much happiness you had earned until you retire… Because it’s not being poor you will regret when you grow old, but the fact that you weren’t happy living in a life working all your days.”

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.