The Good Doctor Part Two

A good doctor (Photo credit: medicinerevealed)
A good doctor (Photo credit: medicinerevealed)
A good doctor (Photo credit:  medicinerevealed)
A good doctor (Photo credit: medicinerevealed)

“Probably, after reading the title you are now searching for the Part I to know the sequel. It’s in my archives.” 🙂

And he is the best. For me, he is like Dr. House (you knew him if you are watching the TV series). When a doctor had hardships in diagnosing a certain disease they call him for help. And tada! Problem solved.

He is a stout-hearted and a kind person. He really is. He really was.

He served his fellowmen especially the poor and the needy. I love the way he assessed the patients. Walang halong diri or kiyeme. What I mean is he will touch the patient kahit ano pa ang hitsura, dungis or amoy nito. Para sa kanya, wala iyong kaso. Siya ang taong tunay may puso. Minsan umaangal na ang nurses dahil kung siya ang on duty, parang palengke ang area. Dinudumog at dinadagsa siya ng mga tao. Which only proves na maraming pasyenteng nagtitiwala sa kanyang kakayahan, sa kanya lamang. He would not ask for any payment, magulat ka na lang sa mesa niya puno ng pagkain, mga prutas at kung anu-ano pa galing sa mga nagmamahal sa kanya na hindi afford ang professional fee ng iba.

Sa buhay ng tao, kung may protagonist hindi puwedeng mawala ang antagonist. Isa na dun ‘yung doctor na nabanggit sa part one. Maraming naninira sa tinaguriang bida. Kasi nman, kung sino pa ang may hindi kagandahan ang asal, siya pa ang matatag at nagtatagal.

Balik tayo kay good doctor. Minsan makikita mo na lang siya na nagkukulong sa isang kwarto. Iisipin mo na lang marahil ay pagod dahil sa dami ba naman ng tinignang pasyente. Then ‘yung mga regalo na bigay sa kanya shini-share niya sa ibang naka-duty at tumulong sa kanya.

‘Di naglaon, nalaman naming may sakit pala siyang iniinda. Na pilit niyang ikinukubli kung kaharap niya ay iba. Naka ilang beses na din siyang na-ospital. Ngunit pag naka-recover. balik ulit sa pagiging doctor.

Gaya ng dati, pagkatapos tumingin ng san damukal na pasyente. Hayun si doctor, dala ang kanyang maliit na bag na naglalaman ng kung ano pa mang ayaw niyang bitiwan, animo’y kanyang kayamang pinakaiingatan, ang kanyang mga kagamutan. Parang si Dr. House rin, nag se-self medicate, drug dependent kulang na lang tawaging drug addict. Pareho silang matalino. Ang pagkakaiba nila, mailap si Dr. House, ‘yung doctor ko approachable. Mabait ‘yung doctor ko samantalang si House ay may sarcasm sa patients niya pero afterwards feel naman ang kanyang care and concern. Mangilan-ngilan lang ang taong biniyayaan ng ganitong kakayahan. Ang masaklap na katotohanan, kung sino pa ang mabait, siya pang madaling kunin ni Lord. Marahil tapos na din ang kanyang misyon sa buhay.

Nandito na ako sa ibang bansa nang mabalitaan kong WALA na siya. He died of cancer. Kinilabutan ako ng mabalitaan ko. Taimtim akong nanalangin at nagpasalamat na rin. Natapos na ang kanyang paghihirap at sakit na nadarama. Gayun pa man, nawala siyang maraming natulungan. He might not be visible physically, but he was loved by many. He was God’s instrument to touch lives. And now it’s time for him to take a rest.

Goodbye! Dear Good Doctor. Saludo ako sa’yo. You are indeed the true meaning of what the word “professional” is. You will always be remembered.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About timgurl 11 Articles
i love to read and write..thanx DF for publishing my articles.. been inspired since my first article (Taking care of tiny lives) was approved.. "hindi mahirap ang bawat gawain kung laging isasapuso natin"..