RN Employment sa ‘Pinas….Bakit hard to reach?

Gusto ko talagang maging Nurse, hindi lang basta Nurse, kundi maging public servant Nurse. Gusto kong makapagsilbi sa mga kapuspalad nating kababayan, samakatuwid, ang ULTIMATE DREAM ko ay maging PUBLIC HEALTH NURSE.

Noong Nursing Student pa lang ako, nagustuhan ko agad ang Public Health Nursing field, kasi ang sarap sa pakiramdam na nakakapagsilbi at nakakatulong ka sa mga taong nangangailangan, gaya na lamang ng pagpunta sa mga bahay-bahay na kahit may mga nanghahabol na aso sa daan, na kahit inaabot pa ng higit sa tatlong oras sa paglalakad, na kahit inaabot na ng gutom sa paglalakad sa daan at kung anu-ano pang sakripisyo, basta ngumiti lang sila at magpasalamat, sadyang nakakataba ng puso, pakiramdam ko, napakabuti kong tao.

Nagtake ako ng Board Exam, but not once, but THRICE. Hehe.. Pero kahit nakatatlong take, hindi ako sumuko, kahit kinukutya ako ng mga mismong mga kamag-anak ko, pinagtatawanan, nilalait na akala mo naman pumasa sila sa board eh mga board flunker pa rin naman hanggang ngayon. Pero di ko sila pinapansin at hindi ako nawawalan ng pag-asa kasi puno ako ng determinasyon na maging isang REHISTRADONG NARS. At sa awa ng Diyos, for the third time, nakapasa na ako.

Naging Nurse nga ako, kaso ba’t ganun, ang hirap pa rin nitong abutin? Eh mas mahirap pang makahanap ng work as Nurse kesa sa pumasa ng Board. Sa loob ko, para namang sinumpa ng mundo ang Nursing Career sa Pilipinas, kung sa bagay, over supply na kasi tayo, sabi nga ng kapatid ko sa ‘kin, “hindi naman kayo nanganganak, pero bakit kayo dumadami?”.

Nag-volunteer ako sa mga hospital, nag-IVT training, pero bigo pa ring makahanap ng trabaho. Kaya nag-apply na ako sa mga Agencies to work in abroad, at nakahanap ako ng work sa abroad papuntang Saudi. Kahit ayokong magtrabaho doon, tinanggap ko pa rin yung offer, kasi desperado na akong makahanap ng trabaho.

Pagdating ko ng Saudi, hindi lang pala lungkot ang pinaka matinding kalaban ko, pati na rin pala ang mga epal sa trabaho. Nakakalungkot isipin pero mismong Pilipino pa ang hahatak sa akin pababa, tapos kung makapanghusga sila sa akin akala mo naman may mga itsura eh ang pa-panget naman nila. Panget na nga, ang sama pa ng ugali. Nakakainis ang ganun, kaya hindi ako nakatagal at nag-resign ako. Di ko na inintindi na mawawalan ako ng trabaho, tutal makakahanap naman ako uli, medyo natagalan nga lang, pero ok lang kesa naman tiisin ko ang ugali ng mga epal na mga mokong na yun.

After 9 months pa bago ako uli nakahanap ng trabaho, kung saan-saang agency na ko naka-apply. Kaso pahirapan talaga, puro kabiguan ang napala ko na akala ko’y ako na ang pinaka malas na tao, hanggang sa inaya na ako ng pinsan ko na mag-tourist sa bansang pinag-ta-trabahuan nya. Mabilis kong tinanggap ang offer nya na makatulong sa akin, tapos sya pa lahat ang gumastos ng pamasahe papunta doon.

Pagdating ko doon sa bansa nya, baon ko ang pag-asa na makahanap ng trabaho. At magkaroon ng bagong buhay. Isang buhay na may peace-of-mind, na wala sa dati kong trabaho. At lagi kong pinapanalangin sa Diyos na sana doon ko makita sa bansang yaon ang magandang kapalaran.

Lumipas ang dalawang buwang pananatili ko sa bansang yaon, ngunit ako’y nabigo na naman dahil hindi ako pinalad na magkaroon ng trabaho. Puno ng depresyon at kalungkutan ang naramdaman ko at halos magtampo na ako sa Diyos. Tinanong ko siya na bakit nya ako ginaganito? Na ano ba ang naging kasalanan ko? Na ang tangi ko lang namang layunin ay makatulong sa magulang.

Pero na-realize ko na hindi man ako nakahanap ng work, at least nag-enjoy naman ako na nakabonding ko ang pinsan ko. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya, dahil sa lahat ng kabutihang ginawa nya sa akin, balang araw susuklian ko rin ang lahat ng kabutihan nya. At nagpasalamat pa rin ako sa Diyos dahil nakauwi ako ng ligtas sa Pilipinas.

Isang araw, isang agency ang tumawag sa akin, sinabi nya na kelangan kong pumunta sa opisina nila sa lalong madaling panahon. Pagdating ko sa agency, akala ko i-in-terview-hin pa ako pero hindi na dahil hired na pala ako. Matapos kasi nilang review-hin ang RESUME ko, qualified na raw ako sa employer, nung una nagduda ako kasi bakit ang bilis kong natanggap pero OK naman yung agency. Napaalis nila ako agad, at heto nasa abroad na ako uli.

Ngayon, kuntento na rin ako sa bago kong kumpanya. Walang intriga, walang epal, may peace of mind. At higit sa lahat makakatulong na ako uli sa mga magulang ko. At talagang nagpapasalamat ako sa Diyos sa mga blessings nya sa ‘kin.

Pero, minsan na-fru-frustrate pa rin ako kasi gusto ko talagang makapagtrabaho sa Pilipinas bilang PUBLIC HEALTH NURSE, dahil yun talaga ang pangarap ko. Kahit hindi na malaki ang sahod, ayos lang, dahil sa totoo lang, hindi ko naman hinangad na mag-abroad at kumita ng malaking pera, dahil ang tanging hangad ko lang ay makapagtrabaho sa sarili nating bansa, na makapagsilbi sa mga mahihirap nating kababayan, masasabi ko nang greatest achievement yun sa buhay ko.

Kaso sa sitwasyon ng Nursing Career ngayon sa Pilipinas, suntok sa buwan bago mangyari yun. Ganun talaga siguro buhay, life is so unfair. Pero umaasa pa rin ako na makakapagtrabaho ako as PUBLIC HEALTH NURSE sa PILIPINAS balang araw.

Proud 2 B a Pinoy RN pa rin…….

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • eiki

    zzzzz

    • jennifer

      Eiki…bakit naman ganyan ang comment mo…puro zzzzzz…you mean boring ang kanyang blog.

      you shouldn’t waste your time reading anyways, kung puro zzzz lang ang iyong comment. Mas boring siguro ang buhay mo…

      And to the author of this blog…GOD listens to each one of us, it will happen in His time…God Bless U always my dear!!!

      • Saudi-Phil RN

        hi po…ako po ang author ng blog na2…salamat po sa pag-appreciate…kala ko kc hindi mgnda ung article ko…anyway thank u again very very much…Godbless

  • tin-tin

    anong agency mo po

    • Saudi-Phil RN

      Try nyo po mag-apply sa GBMLT Agency….banda lang po un sa malate, manila….search nyo po ung agency sa internet for more info…

  • Mark

    Happy for you unlike yung ibang (karamihan) mga nurses na kaya nag nurse eh di dahil gusto nila pero un ung ticket nila papuntang ibang bansa. Kaya hindi passionate sa work nila.

    • Saudi-Phil RN

      hi po…ako po ang author ng blog na2…salamat po sa pag-appreciate…kala ko kc hindi mgnda ung article ko…anyway thank u again very very much…Godbless

  • Raihana Aguam

    I was so move by it….. I couldn’t help tears just run down on my face…Nursing profession lng ang my puso s lht……..May God bless us all…

    • Saudi-Phil RN

      salamat po ma’am sa comment nyo…ako po ang author ng article na 2….GODBLESS po….

  • tin-tin

    thank you po sa reply.. Saang country ka po ngaun?

  • may nagshare nito sa fb.. i took a time to read it.. and it’s quite sad.
    sumasagi din sa isip ko magabroad, pero nakakatuwa din namang magserve sa kapwa noypi.. currently on a government hospital kung nasan ang kahabaghabag.. pero lahat naman may pwedeng magdown sayo, kahit nasa sarili mong bansa ka rin..

    i hope that sooner, you can fulfill your dream as a PHN. Godbless 🙂