Tol, Naninigarilyo Ka Ba?

Quit smoking (Photo credit: thenyfrenchhypnosiscenter)
Quit smoking (Photo credit: thenyfrenchhypnosiscenter)
Quit smoking (Photo credit: thenyfrenchhypnosiscenter)
Quit smoking (Photo credit: thenyfrenchhypnosiscenter)

Gusto mo na bang bumaba sa biyaheng ito?

Gusto mo na bang literal na guminhawa ang iyong baga?

Gusto mo na bang makatipid sa hindi pagbili nito?

Pero napakahirap at mukhang hindi mo magagawa?

Huwag malumbay tol, alam mo ba na 70% sa lahat ng naninigarilyo sa mundo ay may adhikaing tumigil sa paninigarilyo tulad mo pero sa kasamaang palad ay 1-2% lang ang nagtatagumpay. At malakas ang kutob ko tol kasali ka sa katiting na porsyentong ito. Bakit kamo? Una sa lahat hindi ka umabot sa link na ito kung wala kang sapat na lakas para tumigil at pangalawa, kung wala kang tiwala sa sariling magagawa mo, p’wes ako naniniwalang KAYA MO!

Akalain mo, tol, anong oras ka huling nanigarilyo? ………..(magnilaynilay)

Malamang sa pag-browse mo ng article na ito mga 20 minutes na siguro at alam mo bang sa higit kalahating oras na ito ay bumaba ng bahagya ang heart rate at blood pressure mo! Akalain mo?!

Congrats, tol, naka-first base kana!!!

Kung ipapagpatuloy mo yan hanggang 12 hours, mag-nonormal ang lebel ng carbon monoxide sa iyong dugo. Tapos pag umabot ka naman ng 2-12 weeks mag-iimprove ang blood circulation mo tapos luluwag pa lalo ang baga mo. Pag umabot ng 1-9 months dadalang na ang smoker’s cough at ang bubuti ang paghinga. Kung sakaling aabot ng taon ay makakalahati ang chance na magkasakit sa puso kesa sa mga taong naninigarilyo.

Ito ay iilan lamang sa mga magagandang idudulot ng pagtigil sa paninigarilyo at tiyak ko na malapit mo na itong makamit. May mga balakid mang nakaharan sa iyong dadaanan, sa angkin mong kahusayan ay tiyak iyong malalampasan. Mahalin mo ang baga mo, tol. Kung hindi mo ito pinahahalagahan sana’y isipin mo ang mga bata  sa iyong paligid (anak, pamangkin, kapitbahay) ay may baga rin at iisa lang ang hanging nilalanghap.

Kudos sa iyong tagumpay!

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About eliminatesairey 6 Articles
Ang kanlungan ng mga nars na nilamon ng sistema. Ohh kay Sarap na... (sana) Hindi ka kailan man kailangang madurog at maWASAK ang buhay at makamit ang ang forever- HAYAHAY...
  • marc

    Dis blog aint helpful tol. bgo q toh basahain feeling q nkahanap aq ng tao na my parehong sapatos na suot q naun. iniicp q na mkakakuha aq ng mga bagay na mgpapalakas ng dibdib q na kayanin. Lam ntin lht nang mga benefits s pgquit ng yoc at mga msasamang dulot nito, pero ang paulit ulit na pag sasabe nun ay dna nkakatulong lalo pg adik kna. ang mga smokers ay kaya lamang tumagal n hnd mgyoc ng 24 hrs and after dat dmdtng un feeling na pgccrave at pgging balisa at pggng bugnutin na parang hnd mapakali at nghahanap ng smoke. in some cases nahihilo un iba pg hnd nkkpgyoc. pero salamat pdin sa pgeencourage sa mga gaya q tol. Ive tried a lot of things na pwede panghalili sa yoc pero mhrp talaga. mas maigi sana kung isshare mu s blog ung experience m s pgyoyoc at kng panu m toh naovercome. dat way madami mkakarelate sa success story na un dhl wlng ibng nkakaintndi s nararamdaman ng mga adik kundi ang mga adik lng. hnd ang mga doktor ang mkakapgsabe sa mga adik kung anu ang pkrmdm kundi ang mga adik lang ang mkakapg impluwensya sa mga adik na magbago. regards tol.

  • I’m impressed, I have to admit. Seldom do I encounter a blog that’s both equally educative and engaging, and without a doubt, you’ve hit the nail on the head. The problem is something too few men and women are speaking intelligently about. Now i’m very
    happy that I stumbled across this in my hunt for something regarding this.