Usapang Classroom

Being a clinical instructor; I am expected to teach and share knowledge… pero unconsciously, ako pa ang may mas natutunan sa student ko…. Hindi nursing concepts, pero mga bagay na di ko matututunan sa school.. mga bagay at katotohanan na tanging totoong karanasan lang ang pwede magpaunawa…

Madami akong student na hinahangan, although I tend to verbalize my admiration to SOME students, yung iba hindi ko naman sinasabi.. ayaw ko din naman kasi lumaki ang ulo nila… pero deep inside I really look up to them… Oo, may mga students na pasaway… mga students na tamad… mga students na hindi yata dapat tawaging mag-aaral dahil hindi naman “pag-aaral” ang ginagawa… bakit hindi natin sila tawaging “mag-dodota” instead..? hehehe….

Gusto kong ibahagi ang ilan sa natutunan ko sa kanila… May isang student ako na sabi ng karamihan ay isip bata… hmmmmmm at nagkasundo naman kami.. hehehe bakit? Eh isip bata din naman ako.. hahaha… Seryoso na.. Isip-bata hindi naman in a sense na iresponsable siya, kundi ang simple ng pananaw niya sa buhay.. ang dali niya pasayahin… ang dali niyang malungkot… ang dali nyang magtampo, pero ang dali din nyang magpatawad… Seryoso ang mabuhay… tama.. pero yung pagiging bata siguro ang nakalimutan ng halos lahat sa atin… ang pagtingin sa buhay ng simple… Naiinggit ako sa kanya minsan… ang dali kasi nya pangitiin.. at sa likod ng ngiti nya na yun, alam ko na totoo siyang masaya… sana kaya din natin lagi maging ganun.. sana kaya ko din…

May student din naman na di matatawaran ang taba ng utak… hehehe…Na sa kabila ng napakadami nyang alam, ay di pa din nya itinuring ang sarili niya na matalino siya… gustong-gusto ko yung ganun na tao.. walang ere.. walang hangin… walang yabang… Siya yung tipo na gagawin ang best nya sa kahit anong ipagawa mo sa kanya… Nakakatuwa… Kasi ramdam mo ang effort… Ang mga tipo nila ang dahilan kung bakit sa kabila ng puyat at pagod nung nakaraan gabi para iprepare ang lecture, ganado pa din ako magturo sa umaga… Sulit ang paghahanda mo sa tipo nila… Para siyang sponge na kayang itake – in lahat ng binibigay mong information sa kanya, at sa oras na hilingin mo na ilabas nya yung naipon nya knowledge galing sa’yo.. sasabihin din nya yun.. tulad ng kung paano mo yung sinabi at ipinaunawa sa kanya… Kung kaya lang ng mga students na magaya kahit kalahati ng kasipagan nya… Ang sikreto daw ng matagumpay na buhay ay pinaghalong talento, tiyaga at swerte… kung kulang ka ng talento at swerte… bawiin mo sa tiyaga…

May isang pa kong hindi malilimutan na student.. madalas tahimik siya at walang imik… pero sabi nga nila, ang malalim na tubig ay tumatakbo ng tahimik…. Madalas ako nagugulat sa sinasabi nya… may mga ideolohiya siya na kung pakikinggan mo ay parang magulo, pero subukan mo gamitan ng analyzation, mapapaisip ka…. at masasabi, oo nga ay may punto siya… Kaya nyang tingnan ang isang sitwasyon o pagkakataon sa paraang iba… tipong magtatanong ka ng sampung tao tungkol sa isang bagay, at asahan mo, walang kamukha yung sagot nya… hehehe… Sa kanya ko naalala, na hindi masama maging iba… na hindi porke pinili yun ng madami, yun na ang tama..

May isang student pa ko na hindi ko makakalimutan, sa kabila ng di naman angat sa buhay nyang kalagayan, nagtiyaga siyang mag-aral… umisip ng paraan kung paano tutulong sa magulang.. Ginamit ang kakayahang ibinigay sa kanya ng Diyos para kahit paano ay kumita ng pera na makakatulong upang mabawasan ang dinadalang hirap ng magulang… Madalas siyang lokohing “batang-iskolar” dahil sa dami ng inaaplyan… Matuwid siyang nag-aral… naniwala na sa huli ang estudyanteng malinis ay pagpapalain… may mga gabi na ibinabad ang paa nya sa malamig na tubig wag lang makatulog sa pagrereview, uminom ng isang litrong kape at namuti ang nguso kakakukot ng butong pakwan matapos lang niyang basahin ang mga pinag-ipunang libro… Sa kanya ko naalala, kung paano ang magtiwala at manampalataya.. ang pagsubok ay ginawa hindi para sukuan… walang madaling pagsubok, kasi kung madali yun hindi mo ito tatawaging “pagsubok”, pero may sikreto para malagpasan yun.. ano? di “subukan” mo lagpasan… subok lang naman… pag nabigo, subok ulit… 🙂

Photo credit: mediumsworld.wordpress.com

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Mga-sulat-kamay 16 Articles
Hindi ko sasabihing ako ang ideal na tao... nagkamali, nadapa, nasugatan, dumugo, umiyak.. tumahan, naghilom, nagpeklat at sinubukang muli... ganyan ako, hindi perpekto, pero at least totoo... mga sulatin na may konting amag, pero 100 % biodegradable at consumable... safe but with little side effects.. Gusto mong magbasa ng iba pa? http://www.facebook.com/mgasulatkamay O click lang sa FACEBOOK link... ^_^..