WILL I SURVIVE?

Photo credit: http://globalnation.inquirer.net
Photo credit: http://globalnation.inquirer.net

Related article: I SURVIVED!!!!

           Nang ma-ipublish ang article ko na “ I SURVIVED!!!!!!” a few days ago, naisipan kong uli na gumawa ng bagong article. Ngayon, gusto ko naman na i-share sa inyo ang experience ko sa bago kong company……

          Dumating uli ako dito sa Saudi mga ilang buwan pa lang ang nakakalipas. At ngayon, muli ay may kalbaryo na naman akong pinagdadaanan. Hindi naman ito tungkol sa pang-aapi sa ‘kin, tungkol naman ito sa trabaho ko.

Maganda naman dito sa new company ko, isa kasi itong sikat na industrial company, at ako lang ang nag-iisang nurse. Kaya naman, sobrang nape-pressured ako ngayon sa work ko, nag-iisa lang kasi ako sa clinic namin, walang kasama, walang mag-ga-guide o mahihingian ng tulong. Kaya pag nagkaroon ng problema, sa akin lahat ibubunton ang sisi.

Hindi lang ito ang trabaho ko, nag-ha-handle din ako ng ibang subcontractor company, marami-rami rin yun, kung baga sa trabahong ito, dapat may leadership skills din. Kaso ang problema, wala ako nun, hehe, kaya heto pressured talaga. I am not very familar sa nature of work ko dito, nangangapa pa rin ako sa dilim until now. Kung sa bagay, first time ko pa lang naman ma-assign sa ganitong work, pero sana nakapag-adjust na ako agad, kaso until now hindi pa rin. I think I don’t deserve ang ganitong trabaho. At palagay ko, hindi pa ako ganun ka-matured para mag-handle ng ganitong responsibility.

Trabaho ko rin dito na mag-ala –doktor. Ako ang nag-pe-prescribed ng gamot dito, pero over-the-counter drugs naman. Wala kasing manggagamot na mag-ke-carry out ng orders eh kaya ayun, RN-MD muna pansamantala. Hayzzz…

Minsan hindi ko pa rin na maiwasan ang ma-toxic. Halimbawa, may pasyente dito na pumunta sa clinic ko, nahiwa lang ng kaunti ang daliri, na-te-tensyon na ako agad. Simpleng sugat lang yun ha, pero nato-toxic na ako agad. Lalo na siguro kung serious case na yun. Panic na agad, haha…“Lord, please give me strength”…..Pero thank God dahil so far wala pa namang nangyayaring life threatening situations dito, kasi pag nagkaganun, malaking problema yun. At sana wala namang ganung mangyari hanggang sa matapos ko ang kontrata ko dito, plsssssssssssssssssssss.!!!

14 Hours ang duty ko daily. Tapos ang rest day ko pa eh half-day lang. Although may overtime naman, pero naaapektuhan na rin kasi ang health ko. Minsan pag gusto kong pumunta sa hospital, hindi ko naman magawa dahil hindi naman ako pwedeng umalis sa working place ko dahil wala naman akong ka-replacement na nurse din. Kaya sacrifice na lang na kahit may sakit, basta’t kaya pa, pipilitin pa ring pumasok, magampanan lang ang tungkulin ko bilang isang responsableng nurse ng kumpanya.

        Pero ang nagpa-pa-istress talaga sa akin eh yung boss ko. Hayzz ‘pano naman napaka-istrikto nya. Konting mali mo lang, pagagalitan ka na agad ng sobra. At ayaw na ayaw rin nyang kinokontra sya. Kaya pag nagsalubong na ang kilay nya at nakipag-sagutan ka pa sa kanya, tiyak terminate ka agad, hehe kaya wag na lang kumibo pag bino-boljak ka nya. Ako nga minsan na rin nyang na-boljak pero di na lang ako kumibo, ano naman ang laban ko sa kanya eh mataas ang posisyon nya at marami syang back up. Sa totoo nga lang ang daming galit sa kanya, dahil sa attitude nya, kaya ang daming hindi nag-re-renew ng kontrata dahil sa kanya. Yung iba tinerminate nya, yung iba naman nag-resign dahil hindi na matiis ang ugali nya. Pero I swear wala akong sama ng loob sa kanya, in fact, pinapanalangin ko na lang sya na sana bumait na sya.

      Ewan ko ba pero marami pa akong bigas na kakainin bago ako makapag-adjust dito. Nabigla ako sa work ko ngayon, hindi ko ine-expect na magiging ganito kabigat ang responsibility ko. Newbie pa rin kasi na maituturing, at napaka-limited pa ang working experience.

Kaya ngayon, ang tanong ko sa sarili ko, WILL I SURVIVE?????? Will I survive in this another game of life?

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • nursesurvivor

    to el jean: Thanks 4 ur encouragement & advice…..hehe oo nga eh pero ganun tlga, tiis lng muna, matapos llng tlga ang kontrata ko lalayas ako d2, hehhe..cgge tnx…..

  • lei

    hi, you know i can see myself in you. i am also working as a company nurse sa middle east, catering to employees and guests. mahirap talaga sa una lalo na susubukin talaga nila ang knowledge and patience mo. once na ma-establish mo na ikaw ay isang magaling na nurse they will really respect you, like me, many arab employees prefer me kesa sa kasama ko na ka-lahi nila 😉 ang tip ko for you be confident with what you know and your skills and wag ka papa-api 😛 God bless you